Martes, Enero 6, 2015

Ang Bayan ng Nagcarlan

Matatagpuan 103 kilometro timog ng Metro Manila ay ang Bayan ng Nagcarlan. Katulad ng mga bayan na noong sinakop ng mga Espanyol, ang isa sa mga pangunahing atraksyon sa bayang ito ay ang Simbahan ng Nagcarlan na ipinangalan kay San Bartolome. Ang simbahang ito ay itinayo ni Padre Tomas de Miranda taong 1583. Ang simbahang ito ay malapit sa munisipyo at palengke ng bayang ito.




Mula naman sa Simbahan ng Nagcarlan ay ilang metro lamang matatagpuan ang Underground Cemetery. Ang Underground Cemetery na ito ay isang National Historical Landmark dahil ito ay isang libingan noong panahon ng Espanyol at nagsilbi rin na tagpuan ng mga rebolusyonaryo.




Malapit na rin sa Undergound Cemetery ay ang Munisipyo ng Bayan ng Nagcaralan. Ang munisipyo ng bayang ito ay saksi sa mga iba't ibang mga karanasan ng bayan at ng mga mamamayan nito; mula sa panahon ng pananakop hanggang sa ating pagkamt ng kalayaan, saksi ang gusaling ito sa lahat ng iyon.



Halina Dito sa Laguna

Kamusta!! Itong blog na ito ay ginawa ko upang maibahagi ang aking karanasan sa paglilibot lalawigan ng Laguna. Para sa akin, sa isang araw na nilibot ko kasama ang aking mga kaklase sa ilang bahagi nito, masasabi ko na sulit ito. Bakit naman? Dahil ito sa kadahilanang napakaganda ng lugar na ito. Sadyang nabiyayaan ng iba't ibang mga bagay na nagbibigay sa ating mga Pilipino ng dahilan para masabing ang ating bansa ay nabiyayaan. Kung ang isang bahagi ay nabiyayaan, pano pa kaya ang ibang mga bahagi nito diba?

Sa blog na ito, ilalahad ko ang aking mga karanasan sa aking paglalakbay. Ang paglilibot ko sa mga bayan ng Nagcarlan, Liliw, Pagsanjan at Pila. Sa mga post na ito, makikita niyo ang mga sikat na lugar tulad ng Talon ng Pagsanjan at Bundok Makiling, at kaunting bahagi ng kultura ng mga tao sa mga bayang ito.

Maligayang Pagbabasa!!!